Ang Kambyo ni Kuya Baste - Part 2

 Tahimik ang loob ng sasakyan, tanging ang mahinang instrumental ng isang lumang kanta ang maririnig. Amoy malinis ang loob—isang halo ng leather at ang panlalaking pabango ni Baste na sadyang nakaka-relax ng sistema.

Sumandal si Eli sa backseat, yakap-yakap ang kanyang backpack. Kunwari ay nakatingin siya sa mga ilaw ng kalsada sa labas, pero ang totoo, ang mga mata niya ay nakapako sa rearview mirror. Mula sa anggulong iyon, kitang-kita niya ang seryosong ekspresyon ni Baste. Napansin niya kung paano humigpit ang pagkakahawak ng mga maskuladong kamay nito sa manibela sa tuwing liliko, at kung paano gumagalaw ang mga ugat sa braso nito.

“Lord, bakit ganito ang driver ko?” saisip-isip ni Eli. “Parang hindi ako makakahinga nang maayos.”

Hindi alam ni Eli, kanina pa rin siya inoobserbahan ni Baste. Sa paningin ng driver, nakakaaliw ang itsura ng pasahero niya—iyung tipong lumulubog sa laki ng hoodie at may buhok na parang tinalupan ng headset, pero may taglay na "softness" na bihirang makita sa mga puyat na agent.

Muling sumulyap si Eli sa salamin, pero sa pagkakataong ito, nagtama ang mga mata nila. Agad na nag-iwas ng tingin si Eli at nagkunwaring tinitingnan ang dulo ng kanyang hoodie, ang puso ay parang gustong tumalon palabas ng dibdib.

Isang mahinang tawa ang kumawala sa mga labi ni Baste. Isang tunog na malalim at sadyang nakakatunaw.

"Sir Eli," tawag nito, ang boses ay may halong panunukso.

"P-po?" sagot ni Eli, hindi alam kung titingin ba o hindi.

"Medyo malayo-layo pa po ang biyahe natin. Baka po mangawit ang leeg niyo sa patingin-tingin sa salamin," wika ni Baste, habang may maliit na ngising sumilay sa kanyang mga labi. Bahagya niyang inayos ang suot niyang black shirt na tila lalong humapit sa kanyang dibdib.

Lalong namula ang mga pisngi ni Eli. "Ha? H-hindi po, tinitingnan ko lang po 'yung... 'yung daan."

"Ganoon po ba?" Huminto ang sasakyan sa isang pulang ilaw. Tumingin si Baste nang diretso sa salamin, direkta sa mga mata ni Eli. "Kung gusto niyo po, sa tabi ko na lang kayo maupo sa harapan. Para hindi na kayo mahirapan... at para mas malinaw ang view niyo. Libre naman po, walang dagdag sa fare."

Nag-init ang buong mukha ni Eli. Alam niyang niloloko lang siya ni Baste, pero ang paraan ng pagtingin nito ay tila may kasamang paanyaya na mahirap tanggihan. Nakita ni Baste ang pagka-gulantang at ang "cute" na pag-pout ni Eli dahil sa hiya.

“Ang cute din pala ng isang ’to,” bulong ni Baste sa sarili. Desidido siyang mas lalong "akitin" ang pasahero, hindi dahil sa masamang intensyon, kundi dahil gusto niyang makita kung hanggang saan ang itatagal ng "soft boy" energy ni Eli sa ilalim ng kanyang presensya.

"Ano, Sir? Lipat na kayo rito?" muling hirit ni Baste sabay tapik sa bakanteng upuan sa tabi niya. Ang mga daliri niya ay sadyang pinaglaruan ang gilid ng gear shift, kitang-kita ang lakas ng kanyang mga braso sa ilalim ng ilaw ng dashboard. "Mas malamig po rito. At baka... mas mabilis tayong makarating kung magkatabi tayo."

0 (mga) komento :

Mag-post ng isang Komento