Pumasok si Enzo sa locker room na parang lantang gulay. Ang bawat hakbang niya ay ramdam ang panginginig ng mga hita, at ang kanyang isip ay gulong-gulo pa rin sa mga presensyang naramdaman niya sa gym floor. Agad siyang naupo sa mahabang bench at hinubad ang kanyang basang t-shirt, inilalantad ang kanyang maputing dibdib na ngayon ay bahagyang namumula dahil sa init ng workout.
Hindi pa man siya nakakahinga nang malalim, bumukas ang pinto at pumasok si Santi. Naka-sabit ang tuwalya sa balikat nito at gaya ng dati, may nakakalokong ngiti sa mga labi.
"O, Enzo, mukhang bugbog-sarado tayo ah? Sabi ko naman sa'yo, hindi madali ang maging 'paborito' ni Coach Aris," biro nito habang binubuksan ang sariling locker sa tapat ni Enzo.
"O-opo... Kuya Santi. Sobrang bigat pala talaga," sagot ni Enzo. Bahagya siyang napaatras nang tawagin niya itong 'Kuya', isang bagay na tila ikinaaliw ng matanda.
"Kuya Santi? Ang sarap naman pakinggan. Parang mas lalo akong ginaganahan maging... protective sa'yo," sabi ni Santi habang hinuhubad ang kanyang gym wear. "Pero seryoso, Enzo. Bakit mo naisipang mag-gym? Sa kinis mong 'yan, baka mapagkamalan kang dekorasyon lang dito."
Napayuko si Enzo habang nilalaro ang strap ng kanyang bag. "Freelance programmer po kasi ako, Kuya. Laging nasa harap ng computer. Sabi ni Mama, baka raw maging robot na ako kung hindi pa ako gagalaw. Gusto ko rin sanang magkaroon ng kumpyansa sa sarili... 'yung hindi na ako mukhang bata."
Napatigil si Santi sa pag-aayos at tinitigan si Enzo nang may halong paghanga. "Programmer? Matatalino pala ang mga tipo mo. At 'wag kang mag-alala, hindi ka mukhang robot. Mas mukha kang... alagang-alaga."
Habang nagkukwento si Enzo tungkol sa mga gabi niyang puyat sa coding at ang tahimik niyang buhay bilang gamer, hindi maiwasan ni Santi na mapako ang tingin sa katawan ng binata. Dahil sa kaputian ni Enzo, kitang-kita ang bawat detalye ng kanyang balat. Napansin ni Santi ang maliit ngunit siksik na dibdib ni Enzo, kung saan ang mga utong nito ay natural na pinkish at tila namumukadkad dahil sa lamig ng aircon sa loob ng locker room.
"Alam mo, Enzo..." panimula ni Santi, ang boses ay bahagyang bumaba at naging mas seryoso pero may bakas pa rin ng biro. "Sa talino mong 'yan, at sa ganitong 'view' na ibinibigay mo, siguradong maraming magkakagusto sa'yo rito. Look at you... napakakinis. Pati ba ang mga... inner parts mo, ganyan din kapink?"
Namula nang todo si Enzo at agad na kinuha ang kanyang tuwalya para takpan ang sarili. "K-Kuya Santi naman..."
Tumawa nang malakas si Santi at tinapik ang tuhod ni Enzo. "Biro lang! Masyado kang seryoso. Pero totoo 'yung sinabi ko, special ka. Huwag kang mahihiya sa amin nina Aris at Dong. Dito sa gym, pamilya tayo. At bilang 'Kuya' mo, ako ang bahala sa'yo sa labas... at dito sa loob."
Nagpatuloy ang kwentuhan nila, at kahit na palaging may "double meaning" ang mga hirit ni Santi, naramdaman ni Enzo na may nakikinig sa kanya. Sa kabila ng pagiging palikero nito, may init at pagkakaibigan sa boses ni Santi na nagpagaan sa loob ng binata.
"Sige na, mag-shower ka na. Baka maunahan ka pa ni Aris, siguradong matatagalan ka doon kapag nagkasabay kayo," kindat ni Santi bago tuluyang hubarin ang lahat at maglakad papuntang shower area, inilalantad ang kanyang mahabang "asset" na naging paksa ng usap-usapan sa gym.
Naiwan si Enzo na nakatulala, hindi malaman kung susunod ba siya sa shower o maghihintay muna na kumalma ang kanyang mabilis na tibok ng puso.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento
(
Atom
)
0 (mga) komento :
Mag-post ng isang Komento